National News
Taga-Mindanao,’di papabor sa pagbubukod mula sa Pinas – mambabatas
Hindi papabor ang mga taga-Mindanao na bumukod mula sa Pilipinas.
Ito ang paniniwala ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto-Adiong lalo na aniya at ngayon lang mararanasan ng Mindanaoans ang resulta ng peace process matapos ang ilang dekadang paghihirap.
“Well- represented” rin aniya ang buong isla dahil maraming matataas na posisyon na hawak ng taga-Mindanao.
Sinabi na rin ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na hindi siya papabor na humiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Subalit sinabi nito na kailangan parin ng Mindanao ng malaki-laking budget dahil nasa 16% lang ang ibinibigay sa Mindanao.
