Connect with us

Tagum Mayor Rey Uy at acting Gov. Oyo Uy, idineklarang persona non grata ng Davao del Norte Prov’l Tribal Council

Tagum Mayor Rey Uy at Acting Gov. Oyo Uy, idineklarang persona non grata ng Davao del Norte Prov’l Tribal Council

Regional

Tagum Mayor Rey Uy at acting Gov. Oyo Uy, idineklarang persona non grata ng Davao del Norte Prov’l Tribal Council

Idineklarang persona non grata ng Davao del Norte Prov’l Tribal Council si Tagum City Mayor Rey Uy dahil sa diskriminasyon sa Indigenous Cultural Communities at Indigenous Peoples (IP).

Nag-ugat ang deklarasyon ng sabihin ni Mayor Uy na tamad ang mga katutubong nasa kapitolyo para suportahan si suspended Governor Edwin Jubahib habang nag-inspeksyon ang Alkalde sa kusina ng PDRRMO.

Ang ginawa ng alkalde ay paglabag sa karapatan ng mga katutubo na nakasaad sa 1987 Constitution at Republic Act No. 8371 o mas kilala bilang Indigenous Peoples Rights Act.

Kabilang din sa idineklarang persona non grata si acting Gov. De Carlo Uy dahil sa pagsang-ayon nito sa mga sinabi ni Mayor Uy sa mga katutubo.

Dahil dito hindi na papayagang makapasok ang 2 opisyal sa mga ancestral domain ng mga katutubo sa lalawigan.

Nakatakdang mag-file sa korte ang Prov’l Tribal Council ng kanilang resolusyon at padadalhan ng kopya ang Tanggapan ng Pangulo, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa kanilang kaalaman at para na rin sa kanilang magiging aksyon.

Continue Reading
You may also like...

More in Regional

Latest News

To Top