National News
Taiwan, tinanggihan ang balak na pagpapadeport sa pinay caregiver
Hindi sang-ayon ang Taiwan Government sa panawagan ng ang isang pinay caregiver na nagpalabas ng kanyang saloobin na sumasalungat sa Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Ministry Of Foreign Affairs (MOFA), nais nilang ma-enjoy ang freedom of speech ng mga foreign workers.
Dagdag pa ng MOFA, walang sinuman ang maaaring makapaghigpit sa kanila o magbigay ng takot para sa mawala ang freedom of speech.
Ayon naman kay Fidel Macauyag, Labor Attaché of the Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Taichung City, gumagamit ng iba’t ibang account sa social media ang nasabing pinay at sinisiraan ang pangulo.
Ayon kay Macauyag, ang babae ay maaaring maparusahan ng Cyber Libel sa ilalim na Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Matatandaang, hindi sumang-ayon ang Commission On Human Rights sa pasya na ito ng Labor Office sa Taiwan.