International News
Taliban, itutuloy ang pag-atake sa Afghan government
Posibleng ituloy pa rin ng Taliban ang pag-atake sa Afghan Government.
ito ay sa kabila ng nilagdaang Comprehensive Peace Agreement sa pagitan ng Estados Unidos na kung saan inaasahang wala nang pag-atake ang magaganap sa pagitan ng dalawa.
Sinabi ni Taliban Group Spokesman Zabihullah Mujahid, posibleng hindi masunod ang kasunduan kung hindi papakawalan ang 5,000 Taliban Prisoners
Nilinaw ng Spokesman, kasama umano sa kasunduang pinirmahan noong Sabado ang pagpapalaya ng mga nakakulong na Taliban.
Kaugnay nito, nanindigan naman si Afghanistan President Ashraf Ghani, walang nakasulat sa nasabing kasunduan na papalayain ang mga nakakulong.
Umaasa naman ang Estados Unidos na maunawaan ng Taliban ang naging kasunduan dahil naging seryoso ang bansa sa obligasyon nitong pagkasunduin ang Taliban at Afghan Government.