Connect with us

Tandem nina Isko Moreno at Inday Sara, isinusulong

Tandem nina Isko Moreno at Inday Sara, isinusulong

National News

Tandem nina Isko Moreno at Inday Sara, isinusulong

Isinusulong ngayon ng ibat-ibang Muslim Leaders sa Metro Manila ang samahan na Isko Moreno at Inday Sara Duterte para sa darating na 2022 may elections.

Ayon kay Isko at Inday Sara tandem o ISSA Lead Convenor Congressman Zajid Dong Mangudadatu, suportado nila tandem ng dalawang alkalde  sa susunod na halalan.

Ito ay dahil may malasakit si Moreno sa mga Muslim sa Maynila, taliwas sa mga naranasan nilang pang-aabuso sa Mindanao sa ilalim ng pamamahala noon ng rehimeng Marcos.

Samantala, personal namang humingi ng paumanhin ang grupo kay Vice Presidential Aspirant Doc Willie Ong dahil sa kanilang pagsuporta kay Mayor Sara.

Ayon sa ISSA, nakita nila ang paraan ng panunungkulan ni Mayor Sara sa Davao City na katulad ng ama nitong si Pangulong Rodrigo Duterte.

Buo naman ang tiwala ng grupo na maipagpapatuloy ni Mayor Isko ang mga nasimulan ng kasalukuyang administrasyon sakaling maluklok ito sa pagkapangulo at isa na rito ang kasalukuyang pakikipaglaban ng pamahalaan sa insurhensiya.

More in National News

Latest News

To Top