Connect with us

Taong nasa likod ng paglabag ni ‘Poblacion girl’ sa quarantine protocol, dapat panagutin – Lacson

Taong nasa likod ng paglabag ni Poblacion girl sa quarantine protocol dapat panagutin - Lacson

National News

Taong nasa likod ng paglabag ni ‘Poblacion girl’ sa quarantine protocol, dapat panagutin – Lacson

Itinuturing ni Senator Ping Lacson na isang positibong hakbang ang ginawang paghahain ng kaso ng mga otoridad laban kay Gwyneth Chua dahil sa paglabag sa quarantine protocol.

Matatandaan na ang pormal na reklamo laban kay “Poblacion Girl” ay inihain kahapon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Makati Prosecutor’s Office.

Dagdag naman ni Lacson, na ang sunod na pinakaimportanteng dapat gawin ng mga ito ay ang papanagutin ang ‘koneksyon’ o ang taong nasa likod ng paglabag ni Chua sa kaniyang mandatory quarantine protocol.

Aniya dapat ng matigil ang palakasan system.

Napag-alaman sa naging kwento ni Chua, nagawa niyang hindi dumaan sa mandatory quarantine matapos manggaling sa Amerika ay dahil mayroon siyang koneksyon.

 

More in National News

Latest News

To Top