Connect with us

Tapang-tapangan ng gobyerno sa issue sa WPS, binatikos ni Sen. Imee Marcos

Tapang-tapangan ng gobyerno sa issue sa WPS, binatikos ni Sen. Imee Marcos

National News

Tapang-tapangan ng gobyerno sa issue sa WPS, binatikos ni Sen. Imee Marcos

Sa isang mensahe para sa Araw ng Kagitingan ay tila binatikos ni Senadora Imee Marcos ang gobyerno kaugnay sa issue sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Imee, hindi dapat susugod sa giyera ang Pilipinas na walang dalang sandata sa kabila ng ginagawang pagpapanggap at pagngangakngak.

“We cannot even ensure the integrity of our weapons and ammunitions production lines, yet some of us are engaged in warmongering,” ayon kay Sen. Imee Marcos.

Kasabay nito ay pinuna ng senadora ang kakulangan sa pangunahing produksyon ng mga armas at bala ng Government Arsenal (GA) noong nakaraang taon kahit na tumaas aniya ang gastusin ng 420%.

Batay sa ulat ng Commission on Audit (COA), hindi nakapag-produce ng sapat ang GA, isang ahensiya sa ilalim ng Department of National Defense (DND), ng mga maliit na armas at bala kahit na naglaan ng halos P455-M mula sa kanilang badyet para sa MOOE (Maintenance and Other Operating Expenses) ng 2023, kumpara sa tanging P87.4-M noong 2022.

Ikinalulungkot ng senadora ang naturang balita ng COA kaugnay sa nasasayang na pera.

“Money is being wasted. Will the lives of our men in uniform be wasted as well?” dagdag pa ng senadora.

Kaugnay nito ay tinanong niya kung ang buhay ng mga men-in-uniform ay masasayang na rin sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa WPS.

Gayunpaman, iginiit ni Marcos na tanging isang makabuluhang dayalogo sa pagitan ng Pilipinas at China ang magsasalba sa sitwasyon na nagsisimula pa lamang lumala.

“No weapons system, not even the most advanced ones, can stop a war — if that is what some of us want to achieve with all the noise. Constant dialogue, not only on the level of our foreign affairs department, coast guard, and defense establishment, but also the legislature and the president himself — the architect of our foreign policy and commander-in-chief of our armed forces — is key to overcoming the quagmire we are in,” saad pa ni Sen. Imee.

At siya ay naniniwala na ang susi ay nasa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.

Binigyang-diin ng senadora, na siyang nangunguna sa Committee on Foreign Relations sa Senado, ang pangangailangan na taasan ang antas mula sa karaniwang pagpapasa ng note verbale tuwing may insidente sa mga di-pagkakaunawaan sa pinagaagawang teritoryo sa WPS, habang itinulak ang multilateral na pag-uusap sa lahat ng mga umaangkin sa teritoryo kabilang ang Pilipinas, China, Brunei, Vietnam, Malaysia, Indonesia, at Taiwan.

Muling sinabi ng senadora na kailangang dalhin sa ASEAN at sa United Nations sabay diin na hindi tayo maaaring gumawa ng pare-parehong bagay nang paulit-ulit at asahan ang magkaibang resulta sa bawat pagkakataon.

More in National News

Latest News

To Top