Connect with us

Target na zero case ng COVID-19, nakamit ng PNP

Nakamit na ng Philippine National Police (PNP) ang zero case ng COVID-19 sa kanilang hanay.

National News

Target na zero case ng COVID-19, nakamit ng PNP

Nakamit na ng Philippine National Police (PNP) ang zero case ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Ito ang magandang balita ni PNP Public Information Office chief Police Brigadier General Roderick Alba matapos gumaling ang isa nilang tauhan na tinamaan ng sakit.

Kasabay nito, patuloy na ipinaalala ng opisyal sa kanilang mga tauhan ang pagsunod sa minimum public health standards upang makaiwas sa coronavirus.

Nitong Enero nang sumipa sa mahigit 4,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa pulisya dahil sa Omicron variant.

Samantala, mula nang magsimula ang pandemya, umabot na sa 48,861 ang mga dinapuan ng COVID-19 sa PNP, kung saan 48,732 ang mga gumaling at 129 ang mga nasawi.

More in National News

Latest News

To Top