Connect with us

Task Force na tututok sa pangangailangan ng mga pulis na frontliners, binuo ng PNP

Task Force na tututok sa pangangailangan ng mga pulis na frontliners, binuo ng PNP

COVID-19 UPDATES

Task Force na tututok sa pangangailangan ng mga pulis na frontliners, binuo ng PNP

Bumuo ang Philippine National Police (PNP) ng Admin Support to Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Operations Task Force (ASCOTF) upang suportahan ang pangangailangan ng mga pulis na frontliners.

Pamumunuan ito ni PNP Deputy Chief for Administration Police Lieutenant General Camilo Cascolan bilang Chairman habang si PNP Directorial Staff Chief Police Major General Cesar Hawthorne Binag ang Vice-Chairman.

Kabilang sa kanilang tungkulin ay i-monitor ang mga pulis na naka-deploy sa quarantine checkpoints gayundin ang medical supplies at personal protective equipments (PPE) ng mga ito.

Pangangasiwaan din nila ang pagpapadala ng Medical Reserve Force (MRF) sa mga tinukoy na COVID-19 health facilities tulad ng Philippine International Convention Center (PICC), Rizal Memorial Stadium at iba pang pasilidad.

Kahapon, ininspeksyon ni Cascolan ang mga nabanggit na pasilidad na gagamitin ng mga person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM) ng COVID-19.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top