Connect with us

Task Group, binuo sa pamamaril sa Misamis Occidental na ikinasugat ng 2 kandidato

Task Group, binuo sa pamamaril sa Misamis Occidental na ikinasugat ng 2 kandidato

National News

Task Group, binuo sa pamamaril sa Misamis Occidental na ikinasugat ng 2 kandidato

Bumuo na ang Police Regional Office (PRO) 10 ng task group na mag-iimbestigan sa pamamaril sa isang Christmas Party sa Tangub City, Misamis Occidental.

Sa imbestigasyon ng PRO 10, alas-8:45 kagabi habang nagkakaroon ng Christmas Party si Misamis Occidental 2nd District Representative Henry Oaminal kasama ang mga miyembro ng PDP Laban at Asenso Ozamiz Local Party nang makarinig ng putok ng sniper.

Nasugatan sa insidente sina Jason Almonte, na kumakandidato bilang 1st district representative ng Misamis Occidental at Lopez Jaena, Misamis Occidental Mayor Michael Gutierrez, na tumatakbong bise gobernador ng lalawigan.

Isinugod ang dalawa sa Misamis University Medical Center kung saan sila nakatanggap ng paunang lunas bago dinala sa Mars General Hospital, Ozamis City para sa operasyon.

Ayon kay PRO 10 regional director Police Brigadier General Benjamin Acorda, malalimang iimbestigahan ng Special Investigation Task Group (SITG) Oaminal-Gutierrez-Almonte ang insidente.

Hinikayat naman ang mga may impormasyon sa insidente na makipagtulungan sa pulisya.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top