Connect with us

Tatanggap ng tulong mula sa social amelioration program, lilimitahan- IATF

TatanPubliko, hinimok na bigyang-pugay ang mga frontliners simula bukas, Araw ng Kagitinganggap ng tulong mula sa social amelioration program, lilimitahan- IATF

National News

Tatanggap ng tulong mula sa social amelioration program, lilimitahan- IATF

Binigyang diin ni Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na 1 myembro lamang kada pamilya ang mabibigyan ng financial assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Sa virtual presser ni Nograles, inihayag nitong prayoridad nitong maabutan ng tulong ang mga informal workers at ang mga totoong mahihirap ng mga Pilipino.

Kaya hindi na aniya sakop pa ng naturang tulong ang mga formal workers gayung makakatanggap naman sila ng one-time P5,000 subsidy ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay ng kanilang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Adjustment Measures Program (CAMP).

Hindi na rin aniya pasok pa sa nasabing ayuda ang mga pensioners dahil tanging ang mga senior citizens na kabilang sa low income family lamang ang pasok sa social amelioration program.

Kasunod nito, umaapela si Nograles partikular na sa mga local government unit (LGUs) na wag pairalin ang palakasan system.

More in National News

Latest News

To Top