Connect with us

Tatlong indibidwal, tiklo sa buy-bust operation sa Bukidnon

Arestado ang tatlong indibidwal matapos ang buy-bust operation sa Poblacion, Valencia City, Bukidnon.Kinilala ni Police Col. Jun Mark Lagare,

National News

Tatlong indibidwal, tiklo sa buy-bust operation sa Bukidnon

Arestado ang tatlong indibidwal matapos ang buy-bust operation sa Poblacion, Valencia City, Bukidnon.

Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, provincial director ng Bukidnon Police ang mga nahuli na sina John Ford Dades alyas John-John, Noel Dabalos alyas Nono, at John Laurance Eduria alyas Dongkoy.

Nakuha sa kanila ang cellphone, kulay silver na pick-up at nasa 3.8 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated street value na mahigit 25,000 piso.

Dinala na ang mga suspek sa Valencia City Police Station para proper disposition.

Sila ay mahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni Lagare ang kanilang mga tauhan sa matagumpay na operasyon bilang bahagi ng pagpapatuloy ng war on drugs ng administrasyong Marcos.

More in National News

Latest News

To Top