Regional
Tatlong phreatic eruption, naitala sa Bulkang Mayon
Muling nakapagtala ng tatlong phreatic eruption ang Bulkang Mayon ngayong araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), bago maitala ang mga phreatic eruption ay dalawang mahinang lindol ang naramdaman malapit sa bulkan.
Nakita rin sa bunganga ng mayon ang ash column na may taas na halos isang kilometro.
Sa kasalukuyan ay nanatili pa rin sa alert level 2 ang palibot ng Mayon, ibig sabihin posibleng makapagtala ng ‘moderate level of unrest’ o ‘mild eruptions’.
Muli namang nagpaalala ang PHIVOLCS sa publiko na nananatili pa rin ang six-kilometer permanent danger zone sa lugar.
Nito lamang linggo nang makapagtala rin ng dalawang phreatic eruption sa Bulkang Mayon.
DZARNews
