Connect with us

Taumbayan, napeperwisyo sa nakawan sa mga proyekto – Sen. Lacson

National News

Taumbayan, napeperwisyo sa nakawan sa mga proyekto – Sen. Lacson

Tinitiyak ni Partido Reporma chairman Panfilo “Ping” Lacson na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay mauubos na ang magnanakaw na aniya’y masiba kung mag-kick back sa mga proyekto ng pamahalaan na dapat sana’y napupunta sa pagsasaayos ng buhay ng mga mamamayan.

“Nag-i-implementa ng proyekto ng gobyerno, halimbawa, P10-milyon ang isang proyekto, e hindi naman P10-milyon ang pumapasok doon sa proyekto. Nababawasan ng 20%, 30% minsan 40% depende na sa kasibaan, sa katakawan ng nag-iimplementa,” ani Lacson.

Ayon sa batikang mambabatas na kilalang watchdog o tagapagbantay ng mga Pilipino sa kaban ng bayan, sa kabila ng paglobo ng budget ng pamahalaan at lumalaking utang ng bansa ay nananatiling mahirap ang kalagayan ng marami sa ating kababayan, lalo pa ang mga nasa kanayunan.

Itinuturo niyang dahilan ang mga ‘matatakaw’ kung magnakaw sa pondong nilalaan sa mga proyekto ng gobyerno.

“Luminga kayo sa ating paligid, lalo na kapag napunta kayo sa mga liblib sa mga kanayunan. Saan napunta ‘yung taon-taon na budget natin?” ani Lacson.

Sa mahabang karanasan ni Lacson bilang isang public servant, marami nang kaso ng katiwalian at anomalya sa mga proyekto ng gobyerno ang kanyang binusisi sa Senado.

Kabilang na rito ang imbestigasyon sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 at sa bilyong transaksyon sa Pharmally Pharmaceuticals Corp. na ayon sa ulat ay itinuturing na isa sa pinakamalaking corruption scandal na naganap sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon habang nagpapatuloy ang paghihirap ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

Dahil dito, sinisiguro ni Lacson na kung siya ang pipiliin ng mga Pilipino upang mamuno sa bansa sa susunod na anim na taon, mauubos ang mga magnanakaw at matatapos ang maling sistema sa paggasta ng pondo ng bayan.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top