National News
Tax lawyers, hinamon na labanan ang korupsyon
Hinamon ni Acting Chief Justice Senior Associate Justice Marvic Leonen ang tax lawyers na gamitin ang kanilang kapangyarihan para labanan ang korupsyon sa bansa.
Partikular na ani Leonen sa pandaraya hinggil sa pagbabayad ng tamang buwis.
Dapat din aniyang maging patas ang pagpapatupad ng batas at hindi ito nasasakripisyo lalo na ang tinatawag na social justice.
Nais din ni Leonen na mabusisi ng husto ang talamak na paggamit ng prescriptive period sa criminal tax offenses para mapalawak ang pangongolekta ng buwis.
Lalo na aniya ngayon na ang final settlement sa tax liabilities ay nananatiling nakabinbin sa hudikatura.