COVID-19 UPDATES
Telemedicine hotline ng DOH, bukas na simula ngayong araw
Umarangkada na simula ngayong araw ang telemedicine hotline ng Department of Health (DOH) para sa medical concern ng mga residente sa National Capital Region.
Batay sa abiso ng DOH, ang mga residente sa Metro Manila ay maaaring tumawag sa nasabing hotline na 02-8424-1724.
Maaaring itanong ang health concern hindi lamang para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) kundi maging sa iba pang nararamdaman sa kalusugan.
Ayon pa sa DOH, libre ang naturang telemedicine consultations at licensed at certified doctors ang lahat ng doktor nito.
Ang paglulunsad ng telemedicine hotline ay bunga na rin ng pakikipagtulungan ng Telemed Management Incorporated at Medgate sa DOH.