Connect with us

Temporary facility para sa mga judicial employees, inilagay sa compound ng Korte Suprema

Temporary facility para sa mga judicial employees na asymptomatic at may mild COVID case, inilagay sa compound ng Korte Suprema

Metro News

Temporary facility para sa mga judicial employees, inilagay sa compound ng Korte Suprema

Naglagay na ang Korte Suprema ng Emergency Care Unit (ECU) sa supreme court gymnasium sa loob ng compound nito sa Padre Faura, Manila.

Sa nasabing pasilidad na may 55 bed capacity, pansamantalang mananatili ang empleyado ng Korte Suprema at ng mga third level courts; pati court of appeals; sandiganbayan at court of tax appeals na asymptomatic o mayroong mild o moderate COVID case.

Nais ng Korte Suprema na masigurong may pasilidad na magagamit ang kanilang mga empleyado habang naghihintay na ma-confine sila sa ospital o kaya ay mailagay sa quarantine facility.

Kabilang naman sa mga makikinabang dito ang mga judicial employees mula sa National Capital Region (NCR) plus bubble, pati na rin ang Bulacan; Cavite; Laguna at Rizal.

 

 

More in Metro News

Latest News

To Top