Connect with us

Termination ng mahigit 80-K barangay health workers, ipinawalang-bisa ng isang mambabatas

Termination ng mahigit 80-K barangay health workers, ipinawalang-bisa ng isang mambabatas

National News

Termination ng mahigit 80-K barangay health workers, ipinawalang-bisa ng isang mambabatas

Ipinawalang-bisa ni Barangay Health and Wellness (BHW) Party-list Rep. Angelica Natasha Co sa mga local health board ang termination o pagtanggal sa trabaho sa mahigit 80-K mga barangay health worker ng mga bagong upong opisyal ng barangay.

Giit ni Co, dapat na maibalik sa kanilang pwesto ang mga tinanggal na BHW dahil nakompromiso dito ang mga primary health care ng mga komunidad.

Ang hiling na ito ng mambabatas ay kasunod ngayon ng banta ng leptospirosis at gastrointestinal illness tuwing may pag-uulan, at ng epekto ng El Niño.

Matatandaan din na tumataas na rin sa ngayon ang kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa.

Siniguro naman ni Co na patuloy nilang pagsikapan na maisabatas ang Magna Carta of BHWs na magtitiyak sa seguridad sa trabaho at benepisyo ng mga barangay health worker.

 

More in National News

Latest News

To Top