Connect with us

Territorial defense training, nais ipatupad ng AFP sa mga reservists

Territorial defense training, nais ipatupad ng AFP sa mga reservists

National News

Territorial defense training, nais ipatupad ng AFP sa mga reservists

Nais ngayon ni Armed Forces Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr., na sumailalim sa pagsasanay ang lahat ng army reservists sa territorial defense.

Ang nasabing pahayag ni Brawner ay sa gitna ng tumitinding tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ginawa ito ni Gen. Brawner kasabay ng seremonya ng change of command ng 103rd (La Union) Ready Reserve Infantry Battalion (103rd RRIBn).

Dagdag pa ni Brawner na kailangan na magkaroon ng pagsasanay ang mga reservists dahil sa kinakaharap ngayon na banta ng Pilipinas.

Nagsimula ang nasabing panawagan ilang taon na ang nakalipas sa gitna ng tensyon sa WPS na kinabibilangan ng mapanganib na mga maniobra ng China at paggamit ng water cannons sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas.

More in National News

Latest News

To Top