National News
Testimonya ng mga dating NPA, matibay na ebedensya laban sa CPP
Iginiit ng Dating Kadre ng NPA ang kanilang testimonya ay ang matibay nilang ebedensya laban sa makakaliwang grupo
Ito ay matapos sabihin ni Former Bayan Muna Representative Teddy Casino na maglabas ng ebedensya ang mga dating kadre ng NPA kung totoo ang kanilang ginagawang pag-uudyok sa mga aktibista para maging kasapi ng CPP-NPA-NDF.
Ani Casino, “Yun ang problema, Mr. Chair. Wala naman sila pruweba na inudyukan namin… Ang tinuturo namin ‘yung katotohanan eh. We need nationalism, we need to defend human rights, we need to uphold our democratic values. ‘Yan po ang laman ng aming plataporma at programa sa Bayan at Bayan Muna. Masama ba ‘yun? Pag-uudyok ba ‘yun?”.
“Show us! Sino bang NPA ang na-recruit ko? Sino bang NPA ang na-recruit ni Neri [Colmenares]? ni [former] congressman [Antonio] Tinio?”
Bwelta naman ni Mr. Jeffrey Celiz o mas kilalang Ka Eric, dating Kadre ng NPA, ” Pinapahanap nila sa amin ay papel ang sagot ko sa kanila ay testimonies will also form as evidence. Ang isang sindikato po ay hindi mo kailangan idaan sa papel bago mo iproof.”
Ayon pa Kay Ka Eric, magaling magpaikot ng batas ang mga makakaliwa.
“Naiikutan nila ang batas dahil wala silang roster ng members. Ako nga gumagamit ng sampung pangalan, ako alam ko sila gumagamit din ng pangalan kapag gumagamit ng guerilla zone.”
Kaugnay nito ay nagpalabas pa ang Security Sector ng marami pang testimonya na nagdidiin sa makabayan Bloc bilang legal front ng CPP.
Isa sa mga ito ay si Reja Culantang na siyang Vice Chairperson ng Grupong Gabriela sa Region V na isa diumaong recruiter na kung saan aniya ay maging ang kaniyang anak ay hinikayat niyang sumampa ng bundok para maging NPA.
Pagbubunyag ni Culantang, “Masakit ko pong karanasan ay ang sarili ko pong anak ay narecruit ko bilang tagapagsalita – dahil sariling buhay ang aking anak ay nadamay na po.”
Samantala, sinabi naman ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director-General Alex Paul Monteguido na ang pagkamatay ni Jevilyn Cullamat, anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat ay pagpapatunay lamang ng koneksyon sa pagitan ng NPA at Makabayan Bloc.
“Walang ipinanganak na rebelde. Ang mga kabataang ito ay nagsimula lang bilang mga aktibista at kalaunan ay naging rebelde… Sino ang nag-uudyok sa kanila? Walang iba kundi ang front organizations ng CPP-NPA-NDF. Kagaya ng Bayan, Anakbayan, at iba pa,” saad ni Monteguido.
“Si Jevilyn ay kabilang na ngayon sa mahabang listahan ng mga kabataang nasawi dahil sa walang saysay at madugong ideolohiya na itinuturo ng Makabayan bloc representatives at ng CPP-NPA-NDF,”.
