National News
Testing Centers para sa COVID-19, umabot na sa 8- IATF
Nadagdagan na ang mga pasilidad na maaaring magproseso sa mga test kaugnay ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), kung saan umabot na sa 8 ang kabuuang bilang ng mga testing facilities sa bansa.
Kabilang sa naturang testing centers ay ang (1) Research Institute for Tropical Medicine (RITM), (2) San Lazaro Hospital, (3) UP National Institutes of Health, (4) Lung Center of the Philippines sa National Capital Region (NCR); kasama rin dito ang (5) Baguio General Hospital at Medical Center sa Benguet, (6) Western Visayas Medical Center sa Iloilo City, (7) Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City at (8) Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
Giit ni Nograles, higit na makatutulong ang pagdagdag ng mga pasilidad para sa agarang pag-identify at pag-isolate ng mga indibidwal na may COVID-19.