Connect with us

Thai woman, arestado sa NAIA dahil sa pagpupuslit ng P28-M halaga ng shabu

Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Thai national na naaresto matapos mahulihan ng Bureau of Customs (BOC) ng 4.125 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P28 million.

National News

Kinilala ni BOC-NAIA district collector Carmelita “Mimel” Talusan ang naarestong babaeng dayuhan na si Pakjira Janwong, na lulan ng flight Z2 288 galing Bangkok,Thailand.

Ayon kay Talusan, dumating ang suspek sa NAIA terminal 3 bandang alas-3 pasado ng madaling araw dala ang bagahe kung saan ay nakasilid ang iligal na droga idinaan ito sa x-ray machine at dito nakita na nakatago ang tatlong pakete na ibinalot sa carbon paper at packaging tape ang nasabing shabu.

Hawak na ng PDEA ang nasamsam na droga at ang dayuhang suspek ay sasampahan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act , at paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

More in National News

Latest News

To Top