Connect with us

Thailand, tutulong sa food security at turismo ng Pilipinas

Tutulong ang Thailand sa economic recovery ng Pilipinas partikular na sa food security at turismo. Ito ang tiniyak ni Thai Ambassador

National News

Thailand, tutulong sa food security at turismo ng Pilipinas

Tutulong ang Thailand sa economic recovery ng Pilipinas partikular na sa food security at turismo.

Ito ang tiniyak ni Thai Ambassador to the Philippines Tull Traisorat sa courtesy call kay Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Nabatid na tinalakay ng dalawa ang status ng bilateral defense relations at iba pang larangan ng pagtutulungan.

Gayundin ang posibleng pagtutulungan sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR), mga aktibidad at pulong sa nalalapit na 2022 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand at ang 75th anniversary ng diplomatic relations ng Pilipinas at Thailand sa 2024.

Pinuri naman ni Faustino ang matatag na defense relations sa pagitan ng dalawang bansa sa kabila ng pandemya.

Kasabay nito, nagpahayag ng suporta si Faustino sa pagiging co-Chairman ng Thailand kasama ang Estados Unidos sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM)-Plus Experts’ Working Group (EWG) on Maritime Security mula 2021 hanggang 2024.

More in National News

Latest News

To Top