Connect with us

The Medical City, itinanggi ang pag-raid sa kanilang PPEs

The Medical City, itinanggi ang pag-raid sa kanilang PPEs

COVID-19 UPDATES

The Medical City, itinanggi ang pag-raid sa kanilang PPEs

Itinanggi ng The Medical City na ni-raid ang kanilang ospital dahil sa kanilang personal protective equipment (PPE).

To our Patient Partners, please be advised. #TheMedicalCity #TMC

Posted by The Medical City on Wednesday, 1 April 2020

Ito ang naging pahayag ng ospital matapos ang kumalakalat na balitang pagsalakay at pagkumpiska sa kanilang PPEs noong Miyerkules ng gabi, Abril 2.

Kumalat sa social media ang screenshots ng usapan sa umano’y pag-raid sa PPE ng The Medical City para ipamahagi sa iba pang ospital.

Dahil dito, hinimok ng ospital ang publiko na maging maingat sa pagpapakalat nang hindi kumpirmadong impormasyon.

OCD, tinawag na fake news ang balitang pag-raid sa PPEs ng The Medical City

Tinawag din na “fake news” ni Office of the Civil Defense (OCD) Spokesperson Mark Timbal ang balitang pagsalakay sa personal protective equipment ng The Medical City kagabi.

Batay sa mga social media post, iginigiit dito na kinumpiska ng OCD officers ang PPEs ng ilang pribadong ospital para ire-pack at ipamahagi sa iba pang medical center sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) crisis.

Sinabi naman ni Private Hospitals Association of the Philippines President Rustico Jimenez na wala silang natatanggap na anumang ulat ukol sa alegasyon ng pag-raid sa mga PPE.

Una na ring itinanggi ng Medical City ang kumakalat na balita.

 

 

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top