Connect with us

Time allotment sa pilot run ng face-to-face classes, susuriin ng DepEd

Time allotment sa pilot run ng face-to-face classes, susuriin ng DepEd

National News

Time allotment sa pilot run ng face-to-face classes, susuriin ng DepEd

Susuriin na ng Department of Education (DepEd) ang time allotment para sa face-to-face classes.

Kasunod ito sa evaluation report mula sa mga guro kung saan sinasabi nilang maiksi lang ang panahon para sa pag-aaral ng mga estudyante.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, marami sa mga mag-aaral ay mula pa sa malalayong lugar ngunit tatlong oras lang para sa kindergarten at apat na oras lang para sa ibang grade levels ang pinapahintulutan.

Buwan ng Nobyembre nang pinayagan na ang pagsasagawa ng pilot run ng face-to-face classes ang 100 na public schools at 20 private schools sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top