Connect with us

Timing ng umano’y impeachment vs. VP Sara, kahina-hinala

timing-ng-umanoy-impeachment-vs-vp-sara-kahina-hinala

National News

Timing ng umano’y impeachment vs. VP Sara, kahina-hinala

Agosto 2023 pa lamang nang palutangin ng Makabayan Bloc ang posibleng paghahain ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Kaugnay ito sa isyu ng P125M confidential funds ng OVP noong 2022.

Mismong si VP Sara na ang nagkumpirma na mayroon ngang bantang impeachment laban sa kaniya at ang pagpapaimbestiga ng Kamara sa Office of the Vice President (OVP) ay para maghanap ng butas.

Ngunit para sa political strategist na si Prof. Malou Tiquia, kwestiyunable ang timing kung itutuloy ng Kamara ang impeachment. “Assuming mai-file nila ang impeachment, papasok tayo simula October 1 sa political season kasi magfa-file na ang mga candidates. Gugustuhin niyo ba na iipitin niyo ang Vice President na magkaroon siya ng titindigan para gawing political issue ito?”

Kung mangyari ito, mas kakampihan ng taumbayan si VP Sara kahit nasa ¼ na ng House of Representatives ang sinasabing susuporta sa impeachment.

Samantala, hindi naman inaalis ni Tiquia ang impact ng Duterte-Duterte tandem nina VP Sara at dating Pangulong Rodrigo Duterte lalo pa’t ang dalawa ang nakikita ng political strategist na sentro ng mga imbestigasyon sa Kamara.

Kung titingnan ani Tiquia, si dating Pangulong Duterte ang target sa EJK at POGO investigation ng Quadcom Committee. “In a scenario na magsama ‘yung dalawa under 1 political party, sa tingin ko magkakaroon ng problema ang administrasyon kahit na sila may machinery at may pondo.”

Sa kabila nito, nakikita naman ni Tiquia na mulat na ang mga Pilipino sa mga nangyayari sa pulitika.

“Ang hindi nila nakikita ang galit ng mga botante. Voters are angry because of what we are seeing here. Galit ang botante dahil nakikita natin nanloloko ‘yung mga nahalal, na taas ng korupsyon, ang serbisyo publiko ay napaka-pangit at tuwi nalang uulan may baha, tuwi nalang rush hour nakapatindi ng…wala kang nararamdamang gobyerno,” pahayag ni Tiquia.

More in National News

Latest News

To Top