Connect with us

Timing sa pagbawi ng testimonya ni Rafael Ragos laban kay De Lima, kwestyunable – Pol. analyst

Timing sa pagbawi ng testimonya ni Rafael Ragos laban kay De Lima kwestyunable – Pol. analyst

National News

Timing sa pagbawi ng testimonya ni Rafael Ragos laban kay De Lima, kwestyunable – Pol. analyst

Matapos ang pagbaliktad ni self-confessed drug dealer Kerwin Espinosa sa kaniyang testimonya laban kay detained Senator Leila De Lima noong isang linggo ay agad naman itong sinundan ni dating Bureau of Corrections (BuCor) officer in charge Rafael Ragos.

Ang sabi nang DOJ, hindi nakakaapekto sa kaso ni De Lima ang pagbaliktad ni Espinosa dahil hindi naman raw ito state witness ayon sa prosekusyon.

Pero si Ragos, itinuturing na pangunahing testigo sa isa sa mga drug cases ng nakakulong na senadora.

Sa signed affidavit ni Ragos na ginawa noong Abril 30, sinabi nitong inipit lamang siya ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre para gumawa ng maling alegasyon laban kay De Lima.

Magugunitang sinabi ni Ragos noong 2016 sa isang Senate hearing na kasama siya ni Jovencio Ablen Jr. na nagbigay ng P5 million mula sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison sa bahay ni De Lima sa Parañaque City noong 2012.

Aniya, ito ay kickback mula kay Peter Co at iba pang drug lord para suportahan ang pagtakbo noon ni De Lima.

“I now hereby declare and make known to the whole world that there is no truth whatsoever to any of these affidavits or house and court testimonies, or any other statement made in the media or other investigatory proceedings, including the senate and the DOJ, on the delivery of monies to Sec. De Lima or Ronnie Dayan in whatever amount.

I only stated this in order to further implicate Sec. De lima and Ronnie Dayan in the illegal drug trade criminal cases filed against her, upon the instructions of Sec. Aguirre,” ani Ragos.

Sinabi naman ni Palace acting Spokesperson Sec. Martin Andanar na nirerespeto nito ang independence ng korte na humahawak sa kaso ni De Lima at nanatili aniya itong may tiwala sa DOJ at National Prosecution Service sa paggawa ng kanilang mandato para sa pag iimbestiga sa drug charges laban sa senadora.

“We respect the independence of the court handling the case of Senator Leila De Lima, particularly in evaluating the evidence presented, such as the statements of former Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos.

At the same time, we continue to trust the Department of Justice and the National Prosecution Service in performing their mandates in investigating and prosecuting the charges against the lady senator,” ani Palace acting spokesperson Martin Andanar.

Pero para naman sa isang political analyst na si Professor Anna Malindog-Uy, kwestyunable ang timing ng pagbaliktad ni Ragos lalo pa’t ilang araw na lamang ay halalan na.

Matatandaan na si De Lima ay re-electionist sa May 9 Elections at nasa ilalim ng Leni – Kiko slate.

Sinabi rin ni Uy, kwetyunable na ang kredibilidad ng mga bagong salaysay ngayon ni Ragos.

Aniya kung nagbaliktad ito ng pahayag na siya’y under oath noon sa mga pagdinig ay papaano siya mapapaniwalaan sa mga bago niyang testimonya ngayon.

Tiyak din ng political analyst na ang pagbaliktad ni Ragos ay dadaan pa sa matinding interogasyon ng korteng humahawak sa kaso ni De Lima.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top