Connect with us

Tokyo 2020 Olympics maaring ikansela kung magpapatuloy ang COVID-19 pandemic

Sports

Tokyo 2020 Olympics maaring ikansela kung magpapatuloy ang COVID-19 pandemic

Inihayag ni Tokyo 2020 Olympics organizers na magdedepende ang desisyon kung ipagpapatuloy ang sporting event sa sitwasyon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Tokyo 2020 Olympic President Yoshiro Mori, kung magpapatuloy ang Covid-19 pandemic sa susunod na taon, maari itong makansela.

Dagdag pa nito, imposible na ang panibagong postponement at hindi na maari pang ma-delay ito hanggang 2022.

Magugunitang noong March 20, ang Tokyo 2020 Olympics ay ipinagpaliban ng isang taon at posibleng gawin sa pagitan ng petsang July 23 hanggang August 8, 2021.

Sinabi naman ni Japan Medical Association President Yoshitake Yokokura, hangga’t wala pang bakuna laban sa COVID-19, mahirap ituloy Tokyo Olympic at Paralympic Games sa susunod na taon.

Continue Reading
You may also like...

More in Sports

Latest News

To Top