Connect with us

Toll fee sa NLEX connector, tinaasan na

toll-fee-sa-nlex-connector-tinaasan-na

Metro News

Toll fee sa NLEX connector, tinaasan na

Sinimulan na ngayong Martes, Oktubre 15, 2024 ang toll fee hike sa NLEX Connector mula C3 (Circumferential Road 3) sa Caloocan City papuntang España Boulevard at Ramon Magsaysay Avenue sa Sta. Mesa, Manila.

Ayon ito sa anunsyo ng North Luzon Expressway (NLEX).

Sa ilalim ng bagong matrix, mula sa P86.00 ay magiging P119.00 na ang toll fee para sa class 1 vehicles gaya ng regular na mga kotse at SUVs.

Mula sa P215 ay magiging P299 na ang class 2 o mga bus at maliliit na truck.

Ang toll fee naman ng class 3 o malalaking trucks, mula P302 ay magiging P418 na ito.

More in Metro News

Latest News

To Top