Connect with us

Alamin ang top plastic polluters sa mundo

National News

Alamin ang top plastic polluters sa mundo

Pinangalanan ng environmental group na Break Free From Plastic movement ang ang 3 naglalakihang brand manufacturers bilang top plastic polluters sa buong mundo.

Ito ay ang Coca-Cola, Nestle, at PepsiCo.

Maliban sa tatlo pasok din sa top lists ang iba pang brand products tulad ng Mondelez International, Unilever, Mars, P&G, Colgate-Palmolive, Philip-Morris at Perfetti Vanmelle.

Giit ng grupo, nananatiling mataas sa plastic production ang naturang mga brand product companies na taliwas sa isinusulong na single-use plastic ng grupo.

Ang datus ay ibinatay sa dami ng mga plastic na basura na nahakot sa isinagawang 484 na cleanups sa mahigit 50 bansa at 6 na kontinente na inorganisa ng reak Free From Plastic movement noong Septyembre.

Nanawagan naman ang grupo sa mga brand companies na itigil na ang paglikha ng sobrang plastic sa kanilang mga produkto na nakasisira sa kapaligiran na nakakaapekto din sa kabuuang kalikasan.

More in National News

Latest News

To Top