Connect with us

Topacio, kinuwestyon kung bakit sa franchise panel dininig ang P1.8-B issue

Topacio, kinuwestyon kung bakit sa franchise panel dininig ang P1.8-B issue

National News

Topacio, kinuwestyon kung bakit sa franchise panel dininig ang P1.8-B issue

Mariing kinuwestiyon ng Citizens Crime Watch ang pagbusisi ng House Committee on Legislative Franchices sa prangkisa ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Saad ng national chairman nito na si Atty. Ferdie Topacio, pwedeng talakayin ang inirereklamong issue ng umano’y P1.8-B travel funds ng Office of the Speaker sa Committee on Public Information.

Diin ni Topacio, halatang panggigipit sa network ang hearing sa franchise committee dahil nagtatanong lang naman ang isang anchorman kung totoo ba ang issue sa P1.8-B.

Naniniwala naman si Topacio na hurisdiksyon ng Kamara ang franchise review at walang magagawa dito ang ibang ahensya.

Pero ayon sa abogado, halatang panggigipit ang resulta ng hearing sa mababang kapulungan at nagbibigay raw ito ng takot sa iba pang news organizations na maging kritikal at magtanong kung paano ginagamit ang pera ng bayan.

Nauna nang nilinaw ng Kamara na hindi P1.8-B kundi mahigit sa P4-M lamang ang nagastos ng Office of the Speaker sa foreign travels ngayong taon.

More in National News

Latest News

To Top