Connect with us

Total visa ban sa lahat ng bansa, ipatutupad

Total visa ban sa lahat ng bansa, ipatutupad

National News

Total visa ban sa lahat ng bansa, ipatutupad

Magpapatupad ang pamahalaan ng total visa ban sa lahat ng bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr..

Sa kanyang online post, sinabi ni Locsin na ipahihinto na nila ang issuance ng visa sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa loob at labas ng bansa.

Dahil dito, inaasahan na wala munang dayuhan ang makakapasok ng Pilipinas.

Ang papayagan lang daw na bumiyahe ay yung mga dayuhan na nandito sa Pilipinas at gugustuhin ng umuwi ng kanilang bansa.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na bagong guidelines ang Inter-Agency Task Force kaugnay ng mga travel advisory.

More in National News

Latest News

To Top