National News
Tourism sector, malaking tulong sa ekonomiya ng Pinas – PBBM
Malaking tulong sa bansa ang kontribusyon ng turismo sa ekonomiya.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa isinagawang 36th Joint Meeting of the United Nations Tourism Commission for East Asia and the Pacific at UN Tourism Commission for South Asia sa Cebu City nitong Biyernes, June 28.
Sa datos, nasa P2.09-T ang kontribusyon nito noong 2023 o katumbas ng 8.6% ng Gross Domestic Product (GDP).
Katumbas rin ito ng 5.45-M na international tourists.
