Connect with us

Tourist arrival sa Thailand, bumagsak ng 44.3% noong Pebrero dahil sa COVID-19

COVID-19 UPDATES

Tourist arrival sa Thailand, bumagsak ng 44.3% noong Pebrero dahil sa COVID-19

Kinumpirma ng Tourism Authority of Thailand ang pagbaba ng tourist arrival sa bansa noong nakaraang buwan dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Batay sa datos, bumulusok ng 85.3% ang mga bisita mula China.

Ang mga Chinese ang pinakamaraming bilang ng mga turista sa bansang Thailand ayon kay Tat Governor Yuthasak Supasorn.

 

Tat Governor Yuthasak Supasorn

Aniya, kung magpapatuloy ang banta ng COVID-19 hanggang sa buwan ng Mayo, tiyak na aabot sa 30-M bilang ng mga dayuhang turista ang mawawala mula sa 39.8-M bilang noong nakaraang taon.

Mahalaga ang turismo sa Thailand dahil noong nakaraang taon lamang ay umabot sa ฿1.93-T (trillion baht) ang spending ng mga dayuhang turista o katumbas ng 111% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay pina-aaprubahan ng gabinete ang $3.2- na stimulus package para mapagaan ang epekto ng virus.

Ngunit sa pahayag ni Thailand-Japan Minister Prayut Chan-O-Cha, walang ganoong cash handouts.

Ulat ni: Anisa de Guzman

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top