National News
‘Transparency’ ng DSWD sa pamimigay ng SAP, ipinasisiguro ni SP Sotto
Ipinapasiguro ngayon ni Senate President Vicente Sotto III sa ang transparency sa pamamahagi ng financial aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ito ay kasunod ng maraming napapabalitang hindi nakakakuha ng ayuda sa kabila ng pagiging kwalipikado.
Dagdag pa ni Sotto na siya ding co-author ng senate version ng Bayanihan Act, na dapat isapubliko ng ahensiya ang mga pangalan ng mga nakatanggap na ng financial aid sa kanilang official website.
Ani Sotto, nakukulangan siya sa inilalabas na report ng DSWD at bilang isang mambabatas ay karapatan nilang malaman at ng publiko kung saan napupunta ang pera ng bayan.
Sa pamamagitan din aniya ng transparency ay madedetermina ang mga posibleng katiwalian na maaaring gawin ng mga local at national social welfare executives.