National News
Transport group, may panawagan bago ipatupad ang tricycle ban
Nananawagan ang transport group na 1 United Transport Alliance of the Philippines (1-UTAP) Bicol Partylist na bigyan ng sapat na panahon ng gobyerno ang mga local government units (LGUs) bago ipatupad ang tricycle ban sa bansa.
Ayon kay 1-UTAP Bicol Partylist National President Exequiel Longares, hindi tutol ang kanilang grupo sa nasabing patakaran ngunit gusto lamang aniya ng mga LGU na makapagpatupad ng ordinansa upang makagawa ng daan para sa mga tricycle ayon na rin sa inilabas na memorandum ng Department of Interion and Local Government (DILG).
Aminado rin si Longares na abusado talaga ang ilan sa mga tricycle drivers subalit naniniwala umano siyang madadaan sa edukasyon ang mga ito.
Maaalalang noong nakaraang buwan ng ipatupad ng DILG ang memorandum circular 2020-036 na nagbabawal sa tricycles, pedicabs at motorized pedicabs sa national highway sa dahilang hindi lang nakakasagabal sa daan kundi nagiging sanhi pa ng sakuna sa kalye ang mga ito.
