Connect with us

Transport group, umaaray na sa kasalukuyang krisis

ruta bus Metro Manila

National News

Transport group, umaaray na sa kasalukuyang krisis

Umaaray ngayon ang isang transport group sa gitna ng sa bansa.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines o FEJODAP Pres. Zenny Maranan inamin nito na nahihirapan ngayon ang kanilang PUJ drivers sa kasalukuyang sitwasyon.

Ito ay dahil sa marami pa sa kanilang mga myembro ang hindi pa nakatatanggap ng tulong mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Maliban dito ay hindi rin kabilang ang mga PUJ sa makakabalik operasyon sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).

Dahil dito ay nanawagan si Maranan kay Pang. Rodrigo Duterte na mabigyan din ng pansin ang mga PUJ drivers na kabilang sa sektor na ‘no work, no pay.’

“Sa aming mahal na Pangulong Rodrigo Duterte, kung saka-sakali, bigyan po muna kami ng pansin. Pinagtanggol lang po namin, mahal na Pangulo, ang aming kapakanan ng aming mga kasapi at hindi kasapi, dahil kailangan na po talaga nila para mabuhay nila ang kanilang pamilya,” panawagan ni Maranan.

 

More in National News

Latest News

To Top