Connect with us

Transportation at accommodation assistance ng OWWA para sa returning OFWs, isususpinde na

Transportation and accommodation assistance ng OWWA para sa returning OFWs, isususpinde na

National News

Transportation at accommodation assistance ng OWWA para sa returning OFWs, isususpinde na

Isususpinde na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kanilang transportation and accommodation assistance para sa mga returning overseas Filipinos (OFW) simula June 1.

Paliwanag ng OWWA sa post nito sa kanilang Facebook page, full operation capacity ang public transportation sa National Capital Region at iba pang lugar sa bansa dahil nasa alert level 1 status ito.

Inihayag naman ng OWWA na ang mga distressed OFWs na certified sa Philippine Overseas Labor Offices at OWWA Airport officers ay exempted dito.

Maging ang OFWs na bumalik sa bansa sa pamamagitan ng government-initiated mass repatriation flights.

Ang mga partially vaccinated o hindi bakunadong OFW na kailangang sumailalim ng mandatory facility-based quarantine ay bibigyan pa rin ng accommodation assistance subalit wala ng transportation assistance pauwi sa kanilang mga probinsya.

More in National News

Latest News

To Top