Connect with us

Travel ban sa Gyeongsang Province sa SoKor, nakabinbin pa

Travel ban sa Gyeongsang Province sa SoKor, nakabinbin pa

National News

Travel ban sa Gyeongsang Province sa SoKor, nakabinbin pa

Nakabinbin pa ang full implementation ng travel ban sa Gyeongsang Province sa South Korea dahil sa Coronavirus 2019 (COVID-19) outbreak.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), hinihintay pa nila ang kopya ng resolusyon ng Interagency Task Force on Emerging Infectious Diseases (ITF-EID) ukol sa ban.

Humihingi rin ng linaw ang BI kung sino ang sakop ng naturang ban.

Sa ngayon, ang tanging malinaw sa BI ay bawal pumasok sa bansa ang mga dayuhan na mula sa Daegu City at North Gyeongsang Province.

Sinabi ng BI, na sa kasalukuyan ay ipinatutupad na nila ang travel ban para sa mga Pinoy na paalis patungong South Korea.

Tanging ang mga OFW, permanent residents at student visa holders lamang ang papayagang makaalis.

More in National News

Latest News

To Top