Connect with us

Tribong Aeta, sising-sisi sa pagboto kay Marcos Jr.

Tribong Aeta, sising-sisi sa pagboto kay Marcos Jr.

National News

Tribong Aeta, sising-sisi sa pagboto kay Marcos Jr.

Dismayado ang mga Tribong Aeta kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sa hakbang ng Maisug Freedom Concert and Peace Rally sa Angeles City, Pampanga nitong Lunes, inilabas ng kanilang lider ang mga hinanakit ng tribo laban kay Marcos Jr. lalo na kung paano sila pinabayaan ng kasalukuyang administrasyon.

Ipinagtataka nilang kung bakit ganito ang nangyayari gayong buo naman ang kanilang suporta kay Marcos Jr. noong Eleksyon.

“Wala akong nakitang progreso. Wala akong nakitang, “kumusta na ang mga aeta?” sapagkat kami ay isa ring bahagi ng lipunan. Tao rin kami. May karapatan, may damdamin, may puso. Pero sa kaniyang pamumuno wala akong nakikitang progreso na galing sa kaniya

“Kung talagang tututuusin, sinasabi nila kami ang tunay na pilipino. Dapat hindi kami mapag-iwanan. Pero ngayon parang na lang kaming kung saan saan. Wala namang dumarating anong magagandang proyekto sa amin,” ayon kay Tribong Aeta, Leader Oscar Rivera.

Sabi pa ni Oscar Rivera, malayong malayo si Marcos Jr. sa kaniyang ama.

Sa panahon daw kasi ni Marcos Sr., ramdam nila ang pagpapahalaga ng gobyerno sa kanilang Tribo bagay na hindi nila dama kay Bongbong Marcos.

“Kaya noong eleksyon, nakita talagang akala ko gayahin niya ang kaniyang tatay. Doon ko nakita na baka makuha niya yung bakas ng tatay niya,” dagdag pa ni Tribong Aeta, Leader Oscar Rivera.

Iginiit niya na hindi naman daw kasi tao ang turing sa kanila ng presidente kaya ganito ang ginagawa ng administrasyon sa kanila.

“Napag-iiwanan talaga kasi ito nga sinasabi ko, panawagan ko, parang hindi kami tao.

“Dapat sana si president na bbm na iyan, “kumusta na kaya ang mga aeta? Puntahan ko ang mga aeta.” wala. Para kami talagang ginawang hindi tao. Ang tingin nila sa amin ay unggoy,” aniya pa ni Tribong Aeta, Leader Oscar Rivera.

Dahil sa nangyayari ngayon, sising-sisi aniya ang mga Aeta kung bakit ibinoto pa nila si Marcos Jr.

“Ayy naku taalagang malaking pagsisi. Sinabi ko na noong una, nagsisisi kami talaga. Nagsisisi kami sa nangyari,” saad pa ni Tribong Aeta, Leader Oscar Rivera.

More in National News

Latest News

To Top