Connect with us

‘Truth Commission’ vs. korupsiyon, isusulong ni Pastor ACQ

‘Truth Commission’ vs. korupsiyon, isusulong ni Pastor ACQ

National News

‘Truth Commission’ vs. korupsiyon, isusulong ni Pastor ACQ

Sakit sa ulo ng maraming bansa kung paano masolusyonan ang problema ng korupsiyon sa gobyerno.

Ngunit ang ibang bansa gaya ng Singapore, seryosong hinarap ang korupsiyon at naglatag ng framework para labanan ito.

Sa Pilipinas, may mga batas namang umiiral kontra korupsiyon pero tila malabnaw ang implementasyon.

Dahil dito, para sa senatorial aspirant na si Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC), dapat mayroong makapangyarihang government arm maliban sa Office of the Ombudsman para labanan ang korupsiyon.

Ayon sa kampo ng butihing Pastor, isusulong nito ang paglikha ng Truth Commission o ang Anti-Corruption Commission Act.

Aniya, tutulong ito sa Ombudsman bilang special commission na tututok lamang sa lahat ng isyu ng iregularidad sa gobyerno.

Ang kainaman, lahat ng sangay ng pamahalaan ay pwedeng busisiin, mapa-legislative man, executive at judiciary.

Para sa isang anti-corruption advocate, dating Army captain at political vlogger na si Clemente ‘Dado’ Enrique Jr., mainam ang panukalang batas. “Yes, I agree, 100% agree kasi ganyan din ‘yung ina-ano namin, ibang salita lang, na mag-oversee talaga tayo na ang taong-bayan. Tama itong gagawin ni Pastor Quiboloy.”

Nais din ng panukala ni Pastor Apollo na higpitan ang appointments ng mga commissioner sa panukalang Truth Commission at obligadong magsagawa ng regular reporting sa taumbayan sa usad ng mga imbestigasyon. “Pagka-pumalpak ngayon ‘yung presidente, yari lahat ng chain of command.

That’s why pati ‘yung politika natin, kung pumalpak ‘yun, pati ‘yung judge natin, pati ‘yung ating legislative, Congress na pumapalpak ngayon, bogged down tayo lahat…

…kaya tamang-tama ‘yan kasi ‘yung oversight function ng taong-bayan, kailan papasok ‘yun? Ang galing niyan, sang-ayon ako diyan. Talagang ikakampanya ko si Pastor.”

Nakilala si Pastor Apollo C. Quiboloy sa zero corruption leadership nito sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Halibawa diyan ay ang world-class amenities dito gaya ng Kingdome, Glory Mountain at Prayer Mountain sa Davao City na naitayo dahil walang korupsiyon sa KOJC.

Nais ng spiritual leader ng KOJC na maging halimbawa na hindi imposible ang zero corruption sa gobyerno kaya ito sasabak sa senatorial race sa 2025.

More in National News

Latest News

To Top