National News
Tulong na naibigay sa mga apektado ng masamang panahon, higit P74-M na – NDRRMC
Umabot na sa P74.5-M ang halaga ng tulong na naibigay ng gobyerno sa mga naapektuhan ng masamang panahon dulot ng low pressure area (LPA), Northeast Monsoon at shear line.
Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes, Enero 17.
Kabilang sa naibigay na tulong ay ang , hygiene kits, family kits, sleeping kits, kitchen kits, mga gamot at iba pang supplies.
Naipamahagi ito sa Region 2, Region 3, Calabarzon, MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11 at Caraga.
Sa ngayon, umabot na sa 347,382 pamilya o 1,398,103 indibidwal ang naaapektuhan ng masamang panahon sa 1,956 barangay sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
