Connect with us

Tulong para makabangon ang Abra mula sa epekto ng lindol, ipinanawagan kay PBBM

“I rise today on a matter of personal and collective privilege,” ani Abra Rep. Ching Bernos.Lakas loob na humarap sa plenaryo

National News

Tulong para makabangon ang Abra mula sa epekto ng lindol, ipinanawagan kay PBBM

“I rise today on a matter of personal and collective privilege,” ani Abra Rep. Ching Bernos.

Lakas loob na humarap sa plenaryo si Abra Rep. Ching Bernos.

Sa gitna ito ng hamon na kinahaharap ng kanyang lugar matapos tamaan ng 7.3 magnitude na lindol miyerkules ng umaga.

“This is the strongest earthquake to have impacted our Province in recent memory and even the region since the 1990 earthquake in Baguio. According to PHIVOLCS Director Undersecretary Renato Solidum, this is a major earthquake as anything beyond Magnitude 7 can be devastating,” dagdag pa nito.

Ang Lagangilang ang pinakamatinding tinamaan ng lindol sa Abra.

At dahil sa lakas ng pagyanig, pati Metro Manila inabot rin ng pag-uga ng lupa.

“Windows of homes were shattered, while walls of establishments showed cracks. Many school buildings that will be used when face-to-face classes open next month and health facilities like rural health units, responsible for first-level response in the middle of the COVID-19 pandemic, were also damaged,” saad pa ni Congresswoman Bernos.

Ayon kay Congresswoman Bernos, pati ang Abra Provincial Hospital ay napuruhan din ng pagyanig.

Lalo pang nakasama ang pagkasira ng ilang mga kalsada at tulay sa Abra at kawalan ng kuryente.

Nangangamba rin aniya sila sa Abra na baka tumama uli ang malakas na lindol lalo’t napapalibutan sila ng mga bundok.

Kaya ang panawagan ng mahigit 250,000 residente kay Pangulong Bongbong Marcos.

“I am standing here as the Representative of the Peoples of Abra, imploring our kaka-Ilyan, our President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., to extend all available assistance to the Province of Abra to help us rise from the ashes of this devastating disaster. We ask him to mobilize relevant agencies like the NDRRMC, DSWD, DepEd, DOH, DPWH, PNP and AFP, and the DOTR to help us get back on track,” saad pa ni Bernos.

Bilang tugon, agad nagtungo sa Abra si DSWD Sec. Erwin Tulfo para personal na i-assess ang sitwasyon doon.

“Nagtutulong-tulong naman po. Nagko-compliment ho yung PDRRMO, AFP, PNP, nagtutulong-tulong naman ho. Kaya ibig sabihin, nandito ang gobyerno… Naka-alalay lamang talaga,” DSWD Sec. Tulfo.

More in National News

Latest News

To Top