Connect with us

Tulong para sa mga apektado ng oil price hike, inilatag ni Pres.-elect BBM

Tulong para sa mga apektado ng oil price hike, inilatag ni Pres.-elect BBM

National News

Tulong para sa mga apektado ng oil price hike, inilatag ni Pres.-elect BBM

Naglatag na ng mga paunang solusyon si President-elect Bongbong Marcos kung paano matutulungan ang mga sektor na labis na apektado ng oil price hike.

Saad ni Pres.-elect Marcos, magbibigay na lamang siya ng ayuda kaysa tanggalin ang excise tax dahil hindi naman ito nakatutulong sa mga lubos na naaapektuhan sa mataas na presyo ng petrolyo.

“I prefer to handle it on the other side of the situation and provide assistance to those who are in need because if you reduce the excise taxes that does not necessarily help those who are most in need, yung talagang tinatamaan. Kasi blanket eh.,” ani PBBM.

Titiyakin rin ng susunod na pangulo na mapupunta ang ayuda ng pamahalaan sa mga tinatamaan talaga kabilang na ang mga namamasada.

So, ‘yung aking iniisip kung sino ‘yung kaagad na tinamaan, example yung lumabas kaagad – mga transport, yung mga nagpapasada. All of the tinamaan kaagad i-focus muna natin sa kanila yung mga nangangailangan talaga because you know, the yung namang may kaya they can afford to even the VAT. It’s those who have… those whose livelihood who’s are in danger or in danger of losing their livelihood because of the increase in the oil. Baka iyon ang dapat natin… dun tayo mag focus,” saad pa ng incoming president.

Sa ngayon, giit ni BBM na nagpapatuloy ang kanilang usapan sa mga bansang nag-alok na magsuplay ng krudo sa bansa.

Tinitignan din nila ang iba pang paraan para mapababa ang presyo ng langis sa bansa.

 

 

More in National News

Latest News

To Top