Connect with us

Tuloy-tuloy na internet connection sa publiko, tiniyak ng DICT sa gitna ng ECQ

Tuloy-tuloy na internet connection sa publiko, tiniyak ng DICT sa gitna ng ECQ

National News

Tuloy-tuloy na internet connection sa publiko, tiniyak ng DICT sa gitna ng ECQ

Tuloy-tuloy ang pagpo-provide ng sapat na access to data o internet service sa publiko sa gitna ng enhanced community quarantine.

Ito ang tiniyak ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Deputy Spokesperson Adrian Echaus sa Laging Handa public briefing bilang pagtalima na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ani Echaus, sa ngayon patuloy ang trabaho ng telecommunications personnel gaya ng mga maintennace, sales at ibang tauhan nito kung saan kasama sila sa exempted sa ECQ.

Kaugnay nito, nag-isyu ang DICT ng direktiba sa National Telecommunications Commission (NTC) upang imonitor ang telcos at Internet Service Provider (ISP) upang matiyak ang reliable at tuloy-tuloy na internet service.

Inatasan naman ng DICT ang telcos at mga isp na magsumite ng business continuity plan at idedetalye rito ang mga plano at mga hakbang na dapat gawin para tuluy-tuloy ang kanilang serbisyo .

Samantala, nanawagan ang NTC sa Philippine National Police (PNP) o checkpoint personnels, local government units (LGUS) at sa homeowners’ associations na payagan ang mga tauhan ng telcos na makadaan sa mga checkpoint at pumasok sa subdivisions para magawa ang kanilang mga trabaho.

More in National News

Latest News

To Top