COVID-19 UPDATES
Tumakas na COVID-19 patient sa QC, pinaghahanap na
Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang 1 lalaki na residente ng Quezon City na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nagpatingin sa Cardinal Santos Medical Center (CSMC) ang lalaki na kalaunan ay nagpositibo sa sakit.
May ibinigay aniyang address ang pasyente sa Barangay Tandang Sora, pero nang puntahan doon ay itinanggi ng mga nakatira na residente doon ang lalaki.
Sa ngayon ay hindi malinaw kung nasaan ang lalaki at kung paano ito nakaalis ng ospital.
Sinabi ni Belmonte na nagpadala na sila ng medical officer sa CSMC at sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para alamin ang kinaroroonan ng pasyente at agad na mabalik sa kanilang kustodiya.
Samantala, sinabi Health Sec. Francisco Duque III na dapat tutukan ng QC LGU ang nawawalang COVID-19 patient.
