Sports
UAAP events, pansamantalang sinuspinde dahil sa banta ng COVID-19
Suspendido muna ang lahat ng laro sa 82nd season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82.
Ito ay ayon mismo kay UAAP President Emmanuel Fernandez kasunod ng pagdeklara ni Pangulong Rofrigo Duterte ng State of Public Health Emergency at pagsuspinde ng klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila hanggang March 14.
Base sa anunsyo ng UAAP, sinabi ni Pangulong Duterte na dapat lamang na manatili ang mga estudyante sa kanilang mga tahanan at ipagpatuloy ang pag-aaral sa kalagitnaan ng suspensyon.
Ipagpapatuloy naman ang lahat ng UAAP events matapos ang class suspension sa March 14.