Connect with us

Ulat ng pagnanakaw ng relief supplies ng NPA sa Samar, pinanindigan ng militar

FLASH | Mga sundalo at rebelde, nagka-engkwentro sa Irosin, Sorsogon

Regional

Ulat ng pagnanakaw ng relief supplies ng NPA sa Samar, pinanindigan ng militar

Pinanindigan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang ulat na ninakaw ng New People’s Army (NPA) ang relief supplies sa Balanggiga, Eastern Samar matapos pabulaanan ng lokal na opisyal.

Ayon kay AFP Spokesperson Marine Brigadier General Edgard Arevalo, pinatotohanan mismo ng alkalde ng Balanggiga ang ulat ng 8th infantry division sa pamumuno ni Major General Pio Diñoso.

Sinabi ni Arevalo na tumestigo rin sa pagnanakaw na ginawa ng mga rebelde ang mga opisyal ng barangay.

Kasabay nito, nagpasa ng resolusyon ang sanguniang bayan para kondenahin ang ginawa ng NPA.

Tiniyak ni Arevalo na handa silang tumulong sa pamamahagi ng relief goods at pondo sa Social Amelioration Program para sa mga nangangailangang residente.

More in Regional

Latest News

To Top