Connect with us

Umano’y ‘Angels of Death’ sa KOJC, isang kalokohan

PH Army, walang grupong mag-iimbestiga vs. 'Angles of Death'

National News

Umano’y ‘Angels of Death’ sa KOJC, isang kalokohan

Sinagot na ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) legal counsel Atty. Israelito Torreon ang umanoy ‘Angels of Death’ ng KOJC.

Sa isang pahayag, sinabi ng butihing abogado na tanging private prayer warriors lang ang meron sa KOJC at hindi isang private army.

May be an image of 2 people, newsroom and text

Matatandaang unang inihayag ito nina Davao City Police Office (DCPO) Chief Col. Hansel Marantan at Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo sa media.

Dahil dito, ayon kay Torreon, posibleng stratehiya lang ito para magsagawa muli ang PNP ng paglusob at pananatili sa KOJC Compound o magkaroon ng part II ang 16-day siege na nagsimula noong Agosto 24 hanggang Setyembre 8, 2024.

Kaugnay nito, sinabi pa ng butihing abogado, mapipilitan ang kampo ni Pastor Apollo C. Quiboloy na kasuhan ang mga pekeng witness hinggil sa umano’y ‘Angels of Death’ na lumulutang ngayon.

Samantala, naniniwala din si Torreon na walang malinaw na ebidensya para ituro si dating Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y nagtago kay Pastor Apollo noong siya ay pinaghahanap ng mga awtoridad.

More in National News

Latest News

To Top