Connect with us

Umano’y biggest drug haul sa bansa, nakakaduda – Atty. Harry Roque

Umano'y biggest drug haul sa bansa, nakakaduda – Atty. Harry Roque

National News

Umano’y biggest drug haul sa bansa, nakakaduda – Atty. Harry Roque

Biggest drug haul o staged drug haul? Ito ang naging katanungan ni Atty. Harry Roque patungkol sa ibinida ng administrasyong Marcos na nasabat na halos 2 toneladang shabu sa bahagi ng Batangas.

“Sana nga totoo pero maraming nagtatanong, paano kaya nangyari ‘yun biggest drug haul, drayber lang ang nagda-drive ng isang van.”

“Ako naman po ay walang impormante, so wala akong posisyon kung ito po talaga ay stage o hindi. I give them the presumption of… baka nga totoo ang hula. Pero kung napanood niyo ang sinabi ni Maharlika, may kulay na raw, maitim na raw ang kulay ng shabu, ibig sabihin reject na,” ayon kay Atty. Harry Roque.

Ito ang reaksyon ng dating presidential spokesman na si Atty. Harry Roque sa programang Pulso ng Bayan ng SMNI, kaugnay ng ipinagmalaki ng administrasyong Marcos ukol sa umanoy ‘biggest drug haul’ sa Pilipinas.

Nitong Martes, ika-16, nagtungo sa Alitagtag, Batangas si Pangulong Bongbong Marcos at nag-inspeksyon sa aniya’y pinakamalaking drug haul daw sa bansa, kung saan nasabat ang halos 2 toneladang shabu.

Sinabi ni Marcos na nahuli ng arresting agents ang isa sa mga suspek nang hindi gumagamit ng karahasan.

“Ang ating ginagawa, we take apart, binabaklas natin ‘yung mga sindikato, kahit sinuman ang nakita natin may kasabwat, may kasabwat dito sa drug trade, kahit sinuman, kahit pulitiko ba na powerful politician, o pulis, o kung sinuman ay talagang pinag–iniimbestigahan natin,” ayon naman kay Pres. Ferdinand Marcos, Jr.

Una nang ipinahayag ng mga awtoridad na ang driver ng pampasaherong van ay agad na inaresto at sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Kaugnay dito, iginiit ni Roque na nakapagtataka na walang ibang hakbang na ginawa ang mga nagta-transport ng ganito karaming ipinagbabawal na gamot o shabu para protektahan ang kanilang shipment.

Isa pang nakakaduda ay boluntaryo pang tumigil sa isang checkpoint ang suspek na nagmamaneho ng van sa naturang lugar.

“Alam mo naman Alitagtag, ako’y bihasa rin diyan sa Batangas dahil ako’y madalas nagpupunta diyan, maraming daanan diyan. Halatang-halata naman ‘yan, kung biggest drug haul, bakit ka magpapa-checkpoint?” saad pa ni Atty. Roque.

Kinuwestyon din ni Roque kung bakit alam ng mga ordinaryong mga nagche-checkpoint na shabu nga ang sakay ng nasabing van.

‘Yung mga nag-checkpoint, bakit nila alam na shabu ‘yun? Usually ‘yan ay nagkakaroon talaga ng specialized training para malaman kung ano ‘yung shabu at saka dinadala kaagad ‘yan sa laboratoryo para ma-confirm na shabu nga siya, pero bakit alam nung mga ordinaryong mga nagche-checkpoint na shabu nga siya?” ani Roque.

Kaya ani Roque, duda ngayon ang taumbayan kung totoo ba itong paghuhuli o ito ba ay ‘staged’ lamang.

Samantala, mula sa naunang higit P13-B na halaga ng nasabat na iligal na droga ay bumaba na ito ngayong sa halos P10-B ayon sa PNP.

More in National News

Latest News

To Top